Thursday, March 31, 2016



Ginataang Susong Pilipit

Ang susong pilipit ay may dalawang uri, alat at tabang..ito ay lamang dagat na kung saan paborito ng mga mga tao na lutuin sapagkat masarap na ay masustansya pa.
 Dito ituturo ko kung paano magluto ng susong pilipit na nilagyan ng gata.

Maga sangkap:
  • ·         2kilo ng Susong pilipit
  • ·         Gata ng niyog
  • ·         Luya
  • ·         Sibuyas
  • ·         Siling panigang
  • ·         Asin at vetsin..
Paraan ng pagluluto,
 Sa pagbili ng suso siguraduhing mga buhay pa ang ito, then ibabad sa tubig ng ilang oras para pasukahin ang suso upang sa gayon ang mga lumot at mga pagkain na kinain nila ay maisuka.
After 4-5 hours ng pagpapasuka ay hugasan na ng mabuti ang suso, ilagay sa isang malinis na kaserola at lagyan ng tubig at yung pangalawang piga ng niyog.ilagay ang sibuyas at hayaang kumulo ito..then after kumulo hanguin ang suso at ilagay sa malinis na lagayan at itabi.
Kumuha ng malaking talyasi na kakasya ang susong pinakuluan..Mag lagay sa talyasi ng mantika at painitin ito bago ilagay ang sibuyas.bawang at luya at igisa.after igisa ang mga sangkap ilagay ang pinakuluang suso at ihalong mabuti sa ginisang bawang ,sibuyas at luya..
After mong mahalo at igisa ang suso kasam ng mga sahog, ilagay na ang unang gata ng niyog at hayaang maluto na halos mag maglangis. After noon ilagay na ang siling panigang at hayaan maluto ng konti para lumasa sa ginataan, lagyan ng asin at vetsin at tikman na naaayon sa panlasa.

Tapos napo at ihain na..happy eating po..

Wednesday, September 23, 2015

INABRAW (DINENGDENG)

  •  INABRAW (DINENGDENG).. 

Ang Inabraw o dinengdeng ay isang vagetable dish nating mga pilipino na nagmula sa probinsya ng Ilocos, maraming mga tao na napagkakamalang pinakbet ang inabraw sa kadahilanang ang mga sangkap nito ay mahahalintulad sa pinakbet..

Kung iyong matitikman ang lasa nito ay talagang masarap..simple lang ang pagluluto nito at eto ang mga paraan:

Una, Ihanda ang mga gulay na makukuha mo sa bakuran nio narriryan ang ilang mga uri ng gulay tulad ng:

    • kalabasa
    • talong
    • okra
    • malunggay
    • bulaklak ng kalabasa
    • bunga ng malunggay 
    • kamatis 
    • sibuyas
    • at mga madadahong gulay.
Bago mag gayat ng mga gulay maghanda ng maliit na kardero or kaserola lagyan ng malinis na tubig pansabaw tapos  haluan ng mga sangkap na ginayat na kamatis , ginayat na sibuyas, at tsaka ilang kutsara ng bagoong isda.

Isalang sa kalan at hayaan kumulo, habang ikaw naman ay nagggayat ng mga gulay na ilalagay mo dito.pagkatapos gayatin ang mga gulay hugasan at ilagay sa kumukulong sabaw. tapos hayaang kumulo at tingnan kung luto na ang mga gulay..

tapos luto na ang ating inabraw..

Friday, September 11, 2015

PARES

Pares




Sangkap para sa Karne ng baka:
  • ½ kilo ng baka (beef brisket), cut ng malalaking parisukat
  • 1/2 cup of toyo
  • 1 kutsaritang asukal
  • 3-4 cloves ng bawang na gayat.
  • 1 pirasong sibuyas, gayat  ng maliliit.
  • 1 tali ng dahon ng sibuyas(spring onion)
  • 1-2 piraso ng star anise
  • ¼ cup ng cornstarch
  • Asin at paminta (to be taste)
  • mantika
  • fried rice na may sangkap na toyo., 4-6 servings
Para sa sabaw.*****
·         Isang maliit na tipak ng luya
·         Isang bawang na hinati sa apat
·         Bawang isang bilog,gayat
·         Isang kutsaritang buong paminta
·         Dahon ng sibuyas (spring onion) isang maliit na tali..

Parana ng pagluluto:
1.pakuluan ang baka sa isang kardero, na nakalubog sa tubig sa loob ng 10-15 minutes, hayaang kumulo at pagkatapos ay hanguin at tanggalin ang tubig.
2. ang hinangong karne ng baka aya ilagay sa isang kardero na may lamang tubig na may daming apat (4) hanggang  limang (5) cup ng tubig para sa sabaw at ilagay ang para sa sabaw na sangkap(*****), at asin base sa iyong panlasa.
3.hayaang kumulo at lumambot sa loob ng  isa at kalahating oras (1 ½) .
4.ihiwalay ang karneng baka (beef brisket) sa sabaw, gamit ang salaan tanggalin ang mga ilang sangkap na naiwan at hayaang maging maiinit ang sabaw hanggang ito ay i handa sa hapag.
5. sa hiwalay na lutuan Igisa an gang bawang ant kawali hanggang sa bumango ang amoy tapos, ilagay ang karne at hayaang lumasa ang ginisang bawang at sibuyas.
6. pagkatapos ng ilang minuto na ma- stir cook ang karne at bawang sibuyas, lagyan ito ng 1 at ½ tasang pinagpakuluan ng karne pakuluin ng ilang minuto at lagyan ng cornstarch para na tinunaw sa kalahating cup ng tubig para lumapot,lagyan ng paminta at asin ayon sa panlasa at pakuluin ulit ng ilang minuto at ayun na..nakahanda na ang masarap ng pares..
But, wait hindi pa natin tapos ang kapares nya..
I handa ang sinangag na kanin na para sa masarap na pagsasalo sa hapag kainan…