Ginataang Susong Pilipit
Ang susong pilipit ay may dalawang uri, alat at
tabang..ito ay lamang dagat na kung saan paborito ng mga mga tao na lutuin
sapagkat masarap na ay masustansya pa.
Dito ituturo ko kung paano magluto ng
susong pilipit na nilagyan ng gata.
Maga sangkap:
- · 2kilo ng Susong pilipit
- · Gata ng niyog
- · Luya
- · Sibuyas
- · Siling panigang
- · Asin at vetsin..
Paraan ng pagluluto,
Sa pagbili
ng suso siguraduhing mga buhay pa ang ito, then ibabad sa tubig ng ilang oras
para pasukahin ang suso upang sa gayon ang mga lumot at mga pagkain na kinain
nila ay maisuka.
After 4-5 hours ng pagpapasuka ay hugasan na ng
mabuti ang suso, ilagay sa isang malinis na kaserola at lagyan ng tubig at yung
pangalawang piga ng niyog.ilagay ang sibuyas at hayaang kumulo ito..then after
kumulo hanguin ang suso at ilagay sa malinis na lagayan at itabi.
Kumuha ng malaking talyasi na kakasya ang susong
pinakuluan..Mag lagay sa talyasi ng mantika at painitin ito bago ilagay ang sibuyas.bawang
at luya at igisa.after igisa ang mga sangkap ilagay ang pinakuluang suso at
ihalong mabuti sa ginisang bawang ,sibuyas at luya..
After mong mahalo at igisa ang suso kasam ng mga
sahog, ilagay na ang unang gata ng niyog at hayaang maluto na halos mag
maglangis. After noon ilagay na ang siling panigang at hayaan maluto ng konti
para lumasa sa ginataan, lagyan ng asin at vetsin at tikman na naaayon sa
panlasa.
Tapos napo at ihain na..happy eating po..
Binababad ko po sa asin mas mapapabilis po mapasuka ang susong pilipiit?
ReplyDelete